filipina
Jeani A Alba is a teenage mom and proud of it. It's not about the age, it's about the love that matters.
9:54 AM
Name: Jeani A Alba
I'm a teenage mom and I'm proud of it. It's not about the age, it's about the love that matters. ❤️
(Those caption of every photo) ❤️For you my future hubby, Niño C Cruz, Thankyou for being the best man! Iloveyou!
July 16,2015 is the exact date when I found out that I was pregnant. Halo halong emosyon ang naramdaman ko. Natuwa ako na may halong kaba. Natatakot akong sabihin sa family ko at syempre kakaalis lang ng mama ko nun papuntang Jeddah para magtrabaho. Ang hirap sabihin kasi hindi ko alam kung anong magiging reaction nila. Baka madisappoint sila. Napakabata ko pa,sa bibig ko na mismo naggaling pero sabi ko blessing to,greatest blessing na binigay sakin ni God. At syempre sinabi ko agad hindi ko na pinatagal pa. Awa ng Diyos naging maayos naman. And kahit kailan hindi nila pinahina ang loob ko.
6months na yung tyan ko neto pero parang wala lang. Di ko naman tinatago e siguro maliit lang talaga ako magbuntis. Haaay malapit na yung big day baby magkikita na tayo.
August to September dun na ako tumigil sa pag-aaral. Mahina yung kapit ni baby and natakot ako na baka mawala siya. Kung pwede naman akong pumasok papasok ako hindi ko naman ikinakahiyang buntis ako kahit pag-usapan nila ako okay lang. Ayos lang sa akin lahat dahil ginusto ko naman 'to. At masaya ako para sa sarili ko,para sa amin ni baby.
7months na yung tyan ko dito and finally,lumalaki na siya ng konte. Ang sarap na magpicture kasi kita na yung baby bump ko. And syempre lalo na akong sikat lalo ako pinaguusapan e. HAHAHAHA. Wala pa rin akong pakealam sa kanila dahil masaya ako at buhay ko to.
8mos. 1 month more at anjan ka na anaaaaak! Okay na lahat ng gamit mo ikaw na lang ang kulang. Yes! Konting kembot na lang bbyko mahuhug na kita at makikiss. ❤️
Sobrang excited na kaming lahat lumabas kaaaaaaa at ang likot likot likot mo talaga. HAHAHAHA
Gustong gusto ko talagang nagpipicture lagi para di camera shy pag labas ang baby ng mommy naynay! Haaaay. Eto na yung dumdating sa puntong nalulungkot ako ng konte kasi namimiss ko na ang school. Namimiss ko na mag-aral. Pero sabi ko nga,God is good all the time. Magiging okay lahat,pray lang pray lang.
January 26,2016 BPS Ultrasound ko at dahil napakabait mo anak,nakita agad yung gender mo. And yeeees! It's a boooooy! Naalala ko pa,niloko ko si daddy taytay mo at sabi kong girl ka pero binawi ko rin naman agad hahahaha
March 9,umuwi si Nepo kasi nga malapit nako manganak. Kinakausap ko si baby na sabi ko anak labas na ikaw wag mo papahirapan si mommy naynay paglumabas ka ha magbabait ka.
March 10,2016 may schedule ako ng check-up,so si nepo yung nakasama ko. At eto na nga nasa hospital na kami,sa Western Medical Center sa Balayan. BPS Ultrasound ko at di ko alam na last na pala to. Sabi ng OB ko,ubos na ang amniotic fluid and baka makadumi si baby sa loob macesarean pako. Tinanong niya pa nga ako kung okay lang daw na inormal niya ko at di ako nagdalawang isip na umoo. Tapang tapang!
At heto na,2:00 pm ng March 10 inadmit nako wohooo! First time kong lagyan ng suero at yes nakayanan ko! 4:00pm tinurukan nako ng pampahilab kasi wala talaga ko nararamdaman. As in wala,napakanormal lang. Napakabait ng anak ko sa totoo lang at hindi niya talaga ako gaanong pinahirapan. Thankyou baby,thankyou so much! 4:20 nasa delivery room nako,habang naglalabor ako ng konte,nakikipagdaldalan lang ako sa mga nurses and OB ko hahahaha cool diba? Parang di manganganak ah. At napakabilis bumaba ni baby,parang every 5-10mins. isang cm ng isang cm ang ibinababa niya. Nun lang sumakit pero hindi talaga sobra. Napakabit talaga ng bebe kooo. Hay at dahil parang napapadumi na ako,yun na pala yun si baby na pala yun. Umiire ako pero quiet lang hindi oa na parang umiirit na. At 6:38 pm lumabas na si baby,nakatulog ako e,kaya mga 7:30 nako nakabalik sa room ko. Haaay THANKS GOD! God is great! ❤️ Normal Delivery and Normal si baby!
AT PARA SA LAHAT NG CHISMOSO AT CHISMOSA jan,heto na! unti-unti ko nang napapalaki ng maayos at mabuti ang anak ko. Salamat sa inyo at lalo niyong pinalakas ang loob ko. Tumigil man ako ng isang taon,hindi naman ibig sabihin non na tapos na ang lahat. HELER? Nagsisimula pa lang ako ulit no? At may bago na akong kasama sa pagsisimula ng panibagong chapter ng buhay ko! My baby boy Joseph Niño Alba Cruz!
Sa lahat ng nagsabing ''sayang ang batang 'to'' pano magiging sayang? E hindi pa naman dito natatapos ang buhay ko!
Pinapangako ko sa sarili ko,magtatapos ako ng pag-aaral at ikaw ang inspiration ni mommy naynay baby ko. I will be successful someday! Whatever happens!
Follow us on Nend.Me :
0 comments